shortfix

Protektado: SECRET
This post is password protected. You must visit the website and enter the password to continue reading.

dapithapon
lagi kong nahuhuli

ang sarili kong

nagsisimulang magsulat

nang binabaybay

ang salitang— sapagkat.

sapagkat ikaw at ako ay…

sapagkat ang buhay ay sadyang…

sapagkat patuloy

ang pag-ikot ng mundo

at ang oras

ay di na natin namamalayan.

ayoko nang magpaliwanag.

maski pa, alam nating

may mga nararamdamang

kailangan pa ring sabihin

at kailangang marinig…

huwag na nating harapin.

sa aki’y sapat nang

hayaan na lang

at itikom ang bibig.

di ba’t, wala namang panganib

sa paghihintay?

maski pa, minsan

sa ‘king pagkakahimlay

pinapangarap kong naroon ka

sa ‘king tabi,”sabihin mong

mahal mo ‘ko, maski kunyari lang.”

sa tamis nang ‘yong ngiti,

mapapahaplos ako sa ‘yong pisngi.

malilimot ko ang mga nangangalit

nang ugat sa aking

kamay; na mararamdaman mo

ang galas at kulubot nitong balat.

at sa pagtalukbong

ng balabal, ramdam ko ang iyong

yakap.  mapapawi noon

ang lamig na nanuot sa ‘king

mga kasu-kasuan.

wala na’ng badya ng pangangatog

mamaya. payapa akong mahihimbing—

sapagkat.

mga piraso
ang basahan, maski gabi-gabing lab’han

ay basahan pa rin kinaumagahan.

sapagkat sadyang ‘di sapat

ang iyong ngiti’t pagsulyap,

sa alak magpakabagsak;

damhin init nitong wagas.

yun lang.

ang awit ng mga susi
Sa totoo lang

Walang saysay ang lahat

Ng sabihin niya, ko, mo…

Nating lahat.

Kaya’t masnanaisin kong

Pakinggan na lang

Ang kling-kling-kling

Ng mga susi; ng mga susing

Dala-dala ng mamang

Nagpapaikot-ikot

Sa mga pasilyo ng aming gusali

Dahil siya

ang nakakaalam

Ng lahat; ng lahat

Ng katotohanan

Sa mga tanong ng sanlibutan.

Nakikita niya yun

Sa likod ng bawat pinto

Niyang binubuksan.

Isa-isang binubulong

Ng mga hubong

Kuwarto ang mga sagot

Sa kanya

At kinikimkim niyang lahat

Ang mga bagong pulot

Na katotohanan

Habang umaawit

Ang mga susi

Sa pasilyo ng, “kling-kling-kling…

Kling-kling.”

Mabigat ang trabaho

Ng mamang taga-dala ng susi,

Natatapos ang araw nang

Siya’y hapong-hapo

At namumula na ang mga

Daliri na madaling-madali

Sa pagsuksok-pihit ng mga susi

Sa mga nakakandadong pinto.

Kaya’t marahan niyang hinihimas

Ang mga kamay

Bago matulog

At nakikita niya ang ‘yong mukha

Sa isip niya- hahaplusin niya

Ang ‘yong pisngi nang dahan-dahan.

Malaon, susundan niya ang hugis

Ng ‘yong mukha… leeg… balikat…

At napapapikit habang

Maingat niyang pinagagapang

Ang mga daliri

Na parang nagbubuklat

Ang mga sagradong pahina

Ng Bibliya

Mapapausal siya ng– pahinga. Kailangan ko ng pahinga.

Ngunit wala siyang magagawa.

Kinabukasan, muli siyang roronda-

Sa mga pasilyo ng gusali

At muling maririnig

Ng bawat sulok ang kling-kling-kling

Ng mga susi niyang tangan.

Aalingawngaw ang kling-kling-kling

Habang  isinisigaw niya

Ang ‘yong pangalan

Sa kanyang isipan.

At sa pagbukas ng bawat pinto,

Kasabay ng pagsilip sa kawalan,

Ibinubulong niya sa hangin ang,

“Nasaan ka?”

Patuloy lulunurin ng

kling-kling-kling

Ang isinisigaw ng damdamin niya.

gulong na bakal
patapos na

ang kalbaryong

ilan daan taon mo nang

tinatahak.

patapos na.

hindi mo ba nakikita?

hayan lang, abot tanaw na.

kaya huwag kang bumigay

pagkat sadyang ganyan lamang

ang buhay.

sabi nga ng ilang masnauna,

ang buhay ay kakambal na

ng walang hanggang pagsubok,

pagdurusa, ng pagkukumahog at

paghahabol sa mga mumunting

sandali ng hayahay, pahinga

ng payapang paghimbing.

kaya’t huwag mawalan

ng pag-asa.  hindi ka nag-iisa.

marahil, ito ang dahilan

kung bakit naimbento

ang takbuhan ng mga alagang daga.

gustong makita ng tao

kung paano siyang gumagalaw

sa araw-araw.

umiikot ang munting gulong na bakal

sa bawat mabilis na hakbang ng daga

sa malamig nitong tapakan.

sa ilang pag-ikot, makukuha nito

ang tempo at pabilis nang pabilis

siyang hahakbang, pabilis nang pabilis

hangga’t sa tuluyan nang tumakbo.

masayang panoorin, hindi ba?

masaya.  masayang pagmasdan

ang walang bilang na mga hakbang

ng hinihingal nang daga, ng alaga;

siyang napiling nilalang.

walang bilang ang mabilisang paghakbang

sa mga bakal na baitang

pagkat sadyang lupa’t lupa lamang

ang lalapatan–

ang saya.

sige, takbo.  sige, habol!

ayan na, malapit na

sa harapan mo ang walang

sintamis na kasaganahan.

abot kamay na ang walang katapusang

kesong maski maghapon mong lantakan.

ilang daang taon na lang, kaya

takbo!

hanggang sa kalawangin na ng pawis mo

ang mga bakal na tapakan

hala!

tunawin ang barikada;

ang malamig na gulong na bakal.

marunong bang magbilang ang puso?
kung nagbibilang ng taon

ang pusong nagmamahal,

ganoon din kaya

ang pusong nag-iisa?

katabi ko sa tren ang isang dalagita;

namumugto ang kanyang

mga mata.  bakas pa

ang tulo ng mga luha

sa kanyang pisngi.

hinga.  malalim ang kanyang

paghinga.

maya’t maya niyang inilalabas

ang kanyang telepono

sa bag niyang pula;

sa bag niyang pula

na punong-puno ng

damit, libro, panali sa buhok,

mayroon ding sepilyo at mga panyo-

naghakot siya ng panyo.

sa bag niyang yun rin niya isinilid

ang hawak niyang panyong

basang-basa na

ng uhog matapos sagutin

ng mga nagmamadaling daliri

ang mensaheng maaaring nagsasabi

ng, “bahala ka.  sige, umalis ka!” o di kaya’y

“tapos na.  eto na ‘yun mahal.  salamat sa lahat.

thank you.  xie xie ni.”

bahagya kong tinignan

ang puno ng kanyang leeg, doon

kung saan nasisilip ang bilis

ng pulso, ang pagtibok

ng puso. dumadagundong

ang malalim na bahaging ‘yon

ng kanyang katawan-

walang patid ang pangangatog

ng kanyang katauhan habang

nagsusumisigaw ang puso niyang

di pa handang

lumisan.  nagbibilang…

nagbibilang ng toogdoog-toogdoog

na parang tiktak-tiktak

ng kamay ng kinalawang

nang orasan.

maya-maya pa’y tumunog na naman

ang telepono.  parang hudyat

at hayun na,

nasa kamay na niya ang ngatog- ngunit

bigla siyang natigilan…

napapikit ang dalagita.

muli, isang buntong hininga, at sa pagmulat

umaliwalas ang

kanyang mukha.  isinilid niya

ang panyong kalalabas pa lang niya kani-kanina

sa bag niyang pula.

bumaba siya sa sumunod na istasyon

waring tangan ang, “patawad na mahal, patawad.

bumalik ka na…”

marahil ganoon.

sandali akong napatanga

sa bilis ng pag-alis niya;

napapikit ako sa kinauupuan.

ramdam ko pa rin ang dagundong

ng kanyang pulso. hinga.

ako’y napabuntong-hininga

at para tuluyang makausad

at limutin ang awit ng damdamin niya

sinubukan kong pinakinggan

ang aking pulso-

inabangan ko ang toogdoog-toogdoog nito

kasabay ng tiktak-tiktak ng relo ko pero

wala.

wala akong narinig

ni bulong.

nasan na ang alarm clock…
You learn about life by the accidents you have, over and over again, and your father is always in your head when that stuff happens. Writing, most of the time, for most people, is an accident and your father is there for that, too. You know, I taught writing for a while and whenever somebody would tell me they were going to write about their dad, I would tell them they might as well go write about killing puppies because neither story was going to work. It just doesn’t work. Your father won’t let it happen.

– Kurt Vonnegut

yun lang.

isang taon na ang nakalipas mula nang ipangako ko sa sarili kong tatapusin ko yung storyang yun, pero sadyang di ko matapos.

birthday na naman ng tatay ko bukas, pero wala pa rin.

hay, tama na naman si Vonnegut.

di ako marunong tumula
dahil ito lang

ang kaya kong isulat,

pagpasensyahan mo na…

hindi ako marunong tumula.

basta lang akong

nagtatala ng mga

bagay na pumapasok

sa ‘king isipan.

nagtatala ng

kung anu-anong nakikita

sa kapaligiran.

di ‘to mahahalangang tala,

di ‘to kapupulutan ng kung ano mang

kaalaman.

ano ba naman:

ang pulumpon ng mga

nagsilagas na buhok sa palikuran;

ang mga gabok sa sulok ng kwarto

na kawangis ng mga nangutim na bulak,

nakakahinayang i-dust pan;

o ang mga sunog na parte ng damuhan

sa gilid ng gusali kong tinutuluyan,

na gawa ng mga gutom na kaluluwa

walang yaong mga halaga, hindi ba?

ang mga yun, singpayak lamang

ng mga ibong naglulundagan

sa loob ng kanilang mga hawla sa kapitbahay, habang

ang ibang ibo’y walang tigil sa paghuni

sa taas ng mga punong nasa gitna ng gubat

ng urbanidad.

marami pa, marami pa akong

nakikita.

marami rin akong naririnig.  tulad ng:

mga hangos ng mga nagmamadaling paa

sa istasyon ng tren; mga pulso

sa leeg ng mga humuhuli ng

idlip habang nakatayo sa tren, sa bus,

sa pila sa bilihan ng mami; mga hiyaw

sa mata ng mga taong ilang taon nang

nakikipaghabulan

sa oras,

sa bukas,

sa kani-kanilang pangarap.

kitam.  wala ka namang natutunan, diba?

dito kung saan

hinuhuli pati ang

katahimikan, kung saan

di lang tuwa kundi hayahay

na inaasam ang nasa puwitan

ng bawat bote ng beer,

mahirap tumula, kaibigan.

kaya’t pasensya na

kung hanggang ngayon,

di ako marunong tumula.

hindi pa ito ang panahon…
hindi na ‘ko makakapag-LIRA

waaaaaahhhh!!!

nandito ang kwento.

more takda galore!
“tell me will i ever survive…”

-introvoys

para sa aming ikalawang takda, inassign uli kaming gumawa ng sampung maiikling tula.  muli, 4 na tanaga, 4 na dalit at 2 awit.  sa pagkakataong ito, hindi na ang tugma lang ang dapat naming intindihin habang nagsusulat.  kailangan na rin namin siguraduhin na nakasunod ang mga tula namin sa ibinigay na balangkas, tono, at ang pinakamababang uri ng tugma ay pantigan dapat (ang huling kp/pk ng salitang pantugma ay magkaparehas at magkakaparehas na maragsa/malumay/malumi/mabilis ang pagkabigkas).

syempre, marami pa rin akong mali… kasi ang engot, hindi nagreview bago sumulat so nagkahalo-halo yung tugma ng iba (may maragsa na napahalo sa malumay etc.)  may dahilan naman ako, ang toxic kasi sa opis netong mga nakaraan dahil may event… (trabaho talaga, istorbo sa workshop), kaya hayun isa lang ata nakapasa   pero ipopost ko na rin miski mali (para may pagtawanan tayong lahat pagdating ng panahon) BWAHAHAHA!

game.

mga tanaga

dahil mapangarap ako, gumawa ako ng isang mahabang tula na binuo ng mga tanaga.  dapat dito ang balangkas ay pasuhay.  pag pasuhay yung unang line may general statement na susuportahan ng mga susunod na linya ng tula.

Ang bayan kong kawawa

Sa bayan kong kawawa

Marami na ang sawa; (mali kasi mabilis ang “sawa”)

Para kang nasa kawang

Tinututong ng yawa.

Sa mga datung piling

Bumibili ng dili—

Bawal kang mananghili.

Bubusalan ‘yong tili.

Salubungin ng kalo,

Piliting makihalo!

Kung ayaw mong mapalo’t

Sabihang naglalalo.

Pagkat bayan mong mahal

Mga mata’y may tapal,

Inasa na sa dasal

Ang pantubos ng dangal.

actually, di namin chineck ang mga tanaga, kasi zinero na kami ni sir Rio dito  ayaw kasi namin mag-comment sa gawa nung naunang nagbasa… so yan lang ang obvious kong mali ko.  kung may nakikita ka pakisabi na lang. hehe (utusan daw ba kita?)

mga dalit

dito naman, dapat patimbang ang balangkas… 2 lang yung napasa ko sa tugma, kaso isa lang yung na-sakto sa patimbang na balangkas… (ang patimbang, may dalawang bagay kang tinitimbang sa saknong) napulaan pa kasi, “bakit yeso yung ginamit mo? pantugma lang ‘to ‘no?” hahaha.

Leksyon

Panganib ay nakaamba (mali)

Sa kanilang mga aba.

Pinili kasing sumamba

Sa pera na dumadamba.

Hitik sa pamamarali, (mali)

Pinagbabakasakali

Ang kakaunting pambili;

Sinasagad hanggang huli.

Pa’no makakaprogreso (eto lang ang keri)

Kung laging kulang sa Piso?

Marami ka nang atraso,

Upod na lahat ng yeso.

Bago malagas ang buhok (pasuysoy dahil sa “pagkat”)

Mag-aral ka nang magsuksok.

Pagkat paggastang mapusok

Tiyak mong ikalulugmok.

eto naman…

mga awit

mali yung una dahil sa tugma  pasuysoy naman ang balangkas na dapat dito.  pag pasuysoy  ine-inumerate mo yung details/ideas sa mga unang taludtod, tapos sa huling saknong yung generalization.  kabalikataran siya ng pasuhay.

ang bigo

Di s’ya mapakali’t lagi nang balisa, (mali)

Dinaluhan na rin ang lahat ng misa.

Kaya sinubukan niyang mapag-isa

Hayun, malamig nang nakita nung pista.

Ang akala nila sadya lang s’yang sabik

Pagkat kan’yang irog muli nang nagbalik.

Inihanda na n’yang matamis na halik,

Ngunit nakita ‘tong may ibang katalik.

siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ka-particular sa tugma ang bawat takda, ganun talaga… kasi nagsisimula pa lang kami.  kailangan pa naming yakapin ang tradisyunal.  kailangan munang isapuso ang sukat, AAAA, etc.  sabi nga ni sir Mike, kailangan mo munang makulong bago ka lumaya.

and because i can only share so much.

kung gusto nyo talagang matuto tumula sa Filipino;

1.bumili kayo nung libro ni sir Rio, yung Taludtod at Talinhaga (malapit nang magkakaroon nito sa National Bookstore kasi pinapublish pa lang ang bagong ed.) o tignan ninyo sa library ninyo ang mga lumang edition.

2. bumili din kayo ng UP Diksyunaryong Filipino (kasi bukod sa mga ibig sabihin, dun nyo rin malalaman ang tamang bigkas sa mga salita.  medyo may kamahalan pero ganun talaga kung gusto ninyong matuto… matagal nyo naman magagamit, pero kung wala talaga kayong anda, yung Viccasan Dictionary ayos na rin daw (actually yun ang gamit ko dahil wala akong P1800 na pambili nung una kong binanggit)

3. masmaganda kung sumali kayo sa palihan next year  kasi marami talaga kayong matututuhan pramis! (gaya nyan, “matututuhan” dapat at hindi “matututunan” sabi ni sir Rio, kasi wala naman daw hulaping -nan)

4. dapat rin alam nyo yung kanta ng Silverchair… yung,”c’mon, abuse me more i like it…” kasi kung bibigay ka kaagad, wag mo nang simulan.  bawal din pala ang committed (kumitid ang utak)

tambling!